Ngayon ay aking pinatunayan
Isang binibining aking hinahangaan
Damdaming di ko lubos maiwasan
Pagkat sa huli, ako'y masasaktan
Ngiti sa iyong labi, kailan masisilayan
Mata mong kay ganda, akin bang matititigan
Kamay mong kay lambot, sana'y mahawakan
At iyong puso, aking iingatan
Huli na ba aking nararamdaman
Damdamin ko tuluyan bang masasaktan
Puso ko ba'y iyong susugatan
Kung malaman kong may iba nang laman
Pakpak ng aking puso, pakaasahan
Init ng damdamin, iyong silaban
Pintig ng ating mga puso, damhin at alagaan
Pagkat ito'y iisa lamang, kaya huwag nang pakawalan

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...