Ama

77 0 1
                                    

Hindi ako isang ama,
Pero may dalawa akong ampon,
Na kahit malayo sa aking piling,
Pinipilit kong kumustahin kahit saglit;
Nakakailang mang sabihin,
Pero ipinagmamalaki ko ito,
Sa kabila ng murang edad,
Sila'y kinupkop ko,
Hindi ako nag-alangan,
Hindi ako nagdalawang-isip,
Dahil sila'y tao rin,
Nabuhay at handang maglakbay,
Hindi ako isang ama,
Pero ramdam ko ang hirap,
Mula't sapul nang pumanaw si Ina,
Tinaguyod ko sila,
Sinubukan ang maraming bagay,
Para lang itawid ang gutom,
Pawiin ang uhaw,
At higit sa lahat,
Ituro ang lahat-lahat sa mundo,
Na hindi na makikita,
Kailan pa man;
Ipinagmamalaki ko,
Isa akong AMA-
Isang lalakeng handang magtaguyod,
At handang magsakripisyo,
Iaaalay ang dugo't pawis,
Maging ang sariling kaligayahan,
Para lamang sa ikaliligaya nila;
Hindi ko alintana ang pang-aalipusta,
Matitiis ko ang pangyuyurak,
Sugatan man ako ng kanilang mga insulto,
Mapunit man ang aking balat,
Alang-alang sa kanila,
Gagawin ko ang lahat.


Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon