May Demokrasya pa ba?

234 0 0
                                    

Dama mo ba,
Oo, malaya ka;
Pero sakal ka na ba,
Sa iyong nakikita?

Malaya ka, hindi ba?
Pero bakit hindi ko nadarama?
Katarunga'y nakakadena,
Bulag pa rin ang hustisya.

Nasaan ang demokrasya,
Nasaan ang paglaya?
Inangkin na ito ng iba,
Sa atin ay salat na.

O kay ganda ng ating bansa,
Pero patuloy pa rin ang pagdurusa;
Desaparesidos, mga bayaning nawala,
Sariling kababayan ang pumatay sa kanila.

Rehimen niya ay tapos na,
Pero ang Batas Militar ay nararamdaman ko pa!!
Itatanong ko sa'yo ng isa pa,
Malaya ka pa rin ba?

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon