Heneral

40 0 0
                                    

Nabuhay ka-
Ipinaglaban ang kalayaan,
Ngunit sa kamay ng mga kababayan,
Buhay ay winakasan;
Lumabis ka ba?
O sadyang hindi nila nakita,
Ang iyong kabayanihan?

O dakilang sundalo,
Isang parmasyutiko at heneral,
Tunay na tagapagtaguyod ng kalayaan,
Sa iba'y ikinararangal ka,
Ngunit sa iba'y isa kang banta,
Malupit ang mundo,
Pero ito'y sinuong mo.

Minsan mo nang winika,
'Walang nakatataas sa batas,
Maging ito man ay ang ating Pangulo',
Ngayon, kung ika'y nabubuhay,
Makikita mo-
Ikaw ay manlulumo,
At sa galit, ika'y mapupuno.

Oo, ikaw ay isang magiting na sundalo,
Mayabang, mahigpit at hayok sa digmaan,
Subalit, hindi ba nila batid,
Hindi ba nila naisip,
Na sa kabila ng lahat ng iyon,
Ang tanging nais mo lamang,
Ay lumaya ang bansa.

Sa kamay ng mga taksil,
Ikaw ay binawian ng buhay,
Sa pag-aasam lamang ng kalayaan,
Duwag, oo, sila ay duwag-
Nabahag ang kanilang mga buntot,
Sa takot sa kanilang pinuno,
Na isa ring hangal at baluktot.

Dinadakila kita, Heneral,
Sa iyong pagmamahal sa bayan,
Hindi ka sumuko,
Tama ka-
Ang pinakamalakas nating kalaban,
Ay hindi ang mga dayuhan,
Kung hindi, ang ating mga sarili.


Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon