Lumayag ka

23 0 0
                                    



Ihanda mo ang layag,
Maging ang ating angkla,
Anumang oras,
Tayo'y palalaot na.

Pupunta tayo sa isang lugar,
Na matagal ko nang inaasam,
Lugar kung saan,
Ang kaalaman ay walang hanggan.

Tara, sumampa ka na,
Sa lantsa ng karunungan,
Lilibutin natin ang mundo,
Kung saan, ikaw ay matututo.

Buksan ang iyong isipan,
Papel at panulat lang ang puhunan,
Imahinasyon ay paganahin,
Saloobin ng puso'y buuin.

Halina, maglayag tayo,
Tungo sa dagat ng karunungan,
Magpapahuli ka ba?
Halika, sumama ka na.  

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon