Magkaiba tayo ng mundo
Pero anong pakialam ko,
Ang importante, alam mo,
Pagtingin ko'y sa iyo.Wala kang katulad,
Gaya ng mga rosas na namumukadkad,
Di ka muling maghahangad,
Kahit na anumang bagay na ilahad.Hindi man ako perpekto,
Pagtingin ko sa iyo ay totoo;
Ilang milya man ang ating layo,
Ngiti ko sa'yo, tapat at totoo.Irog, anuman ang mangyari,
Luha mo'y agad mapapawi;
Ika'y akin, bawat sandali,
Mapa-umaga man o hatinggabi.

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...