Tumingin ako sa malayo,
Ang nakikita ko ay patay na tao;
Maging sa kalyeng kinatatayuan ko,
Ang bawat mahawakan ko'y may bakas ng dugoNaiisip mo ba,
Ano ang mangyayari kung maulit ito?Sariwa pa sa gunita ng iilan,
Opresyon, kadiliman, takot,
Binuo ng galit sa taong nasa likod nito;
Rumaragasa ang poot, lumalalim ang sugat,
'Asan ang katarungan, nasaan ang kapayapaan?Naiisip mo ba,
Ano ang mangyayari kung maulit ito?Puro tingga ng bala,
Alon ng namuong dugo,
Libu-libong nawawala,
Ilang taon na ang lumipas,
Tatalikuran na ba ito?
Ang poot, ang hustisya,
Nasaan kayo?Naiisip mo ba,
Ano ang mangyayari kung maulit ito?

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...