Pag-ibig ng isang anino.

248 2 0
                                    

Nagmahal ako kamakailan

Ng dalagang di kagandahan

Pag-ibig na kailan pa man

Ay di ko na masisilayan

Masakit ang katotohanan

Ito'y hanggang pagkakaibigan

Matatanggap ba ang dahilan

O sadya na lamang iiwanan?

Hindi ako laging nariyan

Tulad ng anino sa iyong katawan

Ngunit iyong pakaasahan

Pag-ibig ko'y wagas at walang hanggan

Ngunit iyong pakatandaan

Kung nalulungkot ka, ako'y nariyan

Darating at iyong pakaasahan

Tulad ng pagsikat ng araw sa Silangan

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon