Ako Si

88 0 0
                                    

Dakilang kasambahay sa umaga,
Tagapag-alaga ng bata sa gabi;
Kung minsan ay utusan,
Madalas, tagahugas ng pinggan.

Kapag may oras para makapagpahinga,
Titingin sa lumang kwaderno upang magsulat ng tula;
Pero madalas, ako'y tumatangis,
Tuwing ang ama ko'y kailangan nang punasan ang pawis.

Akay-akay ang aking munting prinsesa,
Ako'y naghahanap ng masisilungan;
Nakalahad ang kamay,
Humihingi ng kaunting pagkaing magbibigay-buhay.

Ako ang sumisimbulo ng magulong lipunan,
Ako ang imahe ng nabulok na sistema;
Ako ang larawan ng isang baluktot na pangako,
Ako.. AKO SI JUAN DELA CRUZ.


Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon