EDSA, nakikita mo ba?
Nakikita mo ba ito?
Ikaw ang naging kanlungan,
Yumakap sa milyun-milyong tao,
Nagkaisa, sama-samang lumaban,
Sa pamahalaang kamay na bakal;
Sundalo, madre, kabataan at api,
Dasal at pananalig ang sandigan,
Hinagpis at takot ang namayani,
Subalit nagwakas sa taimtim na,
"Amen"EDSA, ngayon, pansin mo ba,
Ang dati mong kanlungan,
Ngayo'y isa nang sinulid ng aba!
Tatlumpung taon na,
Subalit tila Batas Militar pa rin,
Tuwid na daan nga bang maituturing,
Kung ang ating bansa ay baku-bako pa rin?
Limang taon, nagsayang sa wala,
Pinapamukha sa iba na tayo'y maunlad,
Pero sa mata naming maralita,
Ito'y kabalintunaan.EDSA, makinig ka,
Makinig ka sa panaghoy ng iyong mamamayan,
Hahayaan mo ba sila?
Hahayan mo bang malugmok muli ang Inang Bayan?
Pakapakinggan mo kami, EDSA,
Ikaw na siyang piping saksi ng kasaysayan,
Tama na, sobra na,
Sapat na ang isang rebolusyong gumuhit sa bayan,
Sobra na ang dalawampung taong diktaturya,
EDSA, mabuhay ka,
Kahit isa kang patay sa mata ng lahat.

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...