Argos

9 0 0
                                    

  Ikaw nga-
Yaring pag-ibig ko,
Hindi mawawaglit, kailanman,
Itong puso kong bato;
Sinupil mo-
Bawat uhaw at gutom,
Pinunan mo ako,
Ng iyong ngiti,
Na wari ba'y tala,
Kumikislap-
Pero mahirap kang makita,
Dahil bulag ka-
Hindi mo nakikita lahat-
Lahat ng aking nagawa,
Dahil nakatitig ka,
Sa dayuhan-
Dayuhang nangako sa'yo,
Subalit hindi tinupad,
Bagkus ay nagbigay-sakit-
Sakit na hindi maialis;
Kumikirot-
Kasing hapdi ng kahapong nagdaan,
Hindi mo napapansin,
Dahil bulag ka,
Oo-
Nabulag ka na sa kanya,
Wala kang nararamdaman,
Dahil manhid ka,
Wala kang pakialam-
Masakit-
Napakasakit,
Tama na,
Ayoko na.  

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon