Sino ang mas mabaho?
Sino ang matatawag mong BAKLA?
Sino ang masasabi mong hindi pa naliligo?
Bago mo sabihin sa akin ang lahat ng ito,
Mag-isip-isip ka muna.
Oo, mabaho ako,
Dahil sa polusyong dumikit sa damit ko,
Sa hirap sa paglalakad,
Mula Tundo hanggang Pasay,
Para lang dumalo sa mga pagtitipon.
Oo, mabaho ako,
Pero 'di kasing baho ng ugali niyo,
Na kung makapanlait,
Daig pa ang isang mayamang tao,
Tandaan mo, mabaho ka rin.
Oo mabaho ka rin,
Hindi mo ba naaamoy ang iyong budhi?
Mas mabaho pa iyan sa duming naapakan mo,
Bago mo sana ako pandirihan,
Pandirihan mo muna ang iyong sarili.
Oo, bakla ako,
Buong-puso ko itong inaamin,
Nagmahal ako ng kapwa ko lalake,
Sa pag-aakalang magiging masaya ako,
Subalit hindi.
Oo bakla ako,
Pero bakla ka rin, hindi ba?
Ni hindi mo magawang irespeto ang babae,
Sa halip, sinisiraan mo pa sa kanyang harapan,
Ang tanong ko sa'yo, lalake ka pa rin ba?
Oo, bakla ka,
Dahil wala kang galang sa kababaihan,
Wala kang karapatang pilitin siya,
Tao rin siya, tulad mo,
Pero masyado kang BOBO para malaman 'yon.
Oo bakla ka rin,
Pati ang magulang mo, sinasagot mo,
Hindi ka ba nahiya,
Gumagawa sila ng paraan para makapagtapos ka,
Pero nagrerebelde ka.
Oo, halos hindi ako naliligo,
Kapos ang tubig sa bahay,
Wala akong ibang magagawa,
Para lang magmukhang disente,
Nagpapalit lang ako ng damit.
Oo, hindi ako naliligo,
Pero napaliguan niyo na ba ang isip niyo ng karunungan?
Wala kasi kayong ibang alam,
Kung hindi yurakan ang pagkatao ko,
Dahil doon naman kayo mahusay.
Sana naman, maligo ka rin,
Paliguan mo ng hiya ang sarili mo,
Satsat ka nang satsat,
Hindi mo alam,
Na tumatawid ka na sa limitasyon ko.
Maligo ka rin,
Buhusan mo ng pag-unawa ang isip mo,
Bago ka kasi dumaldal nang dumaldal,
Mag-isip-isip ka,
Nakasasakit ka na pala.
Sa loob ng mahigit isang taon,
Nakaranas ako ng panlalait,
Panlalait na tagos hanggang buto,
Sa halip na magtagal pa,
Lalo lang naisipang umalis na lamang.
Kahit lumapit man kayo,
At humingi ng tawad ay huli na,
Ang dapat sana'y grupo na maaari kong gawing tahanan,
Ngayon ay lilisanin ko na,
Dahil sa pagyurak sa aking kaligayahan.
Nais ko lamang ay mahanap ko,
Ang tinatawag nilang PAGKAKAIBIGAN,
Subalit hindi iyon ang tamang pangkat,
SA pagdura at sa masasakit na salita,
Wala nang dahilan para magtagal pa.
Anong silbi ng mga gaheto sa leeg,
Kung hindi mo kukunan ang sariling imahe,
Aanhin pa ang katagang PRESIDENTE,
Kung siya mismo,
Yumuyurak ng kaligayahan ng inosente.
Awayin niyo man ako't bugbugin,
Galit sa inyo, mabubuo pa rin,
Kapag nag-krus ang mga landas natin,
Sigurado-
Lalayo kayo at magbibitaw ng panlalait sa akin.
Kahit anong linis mo sa basura,
Babaho at babaho pa rin,
At kahit anong pagligo mo ng pabango,
Tiyak-
Babaho ka pa rin.
Kahit anong gawin mo sa isang kambing,
Buhusan mo man ng pabango,
Sa dakong huli,
Mapagtatanto mo pa rin,
Amoy-kambing pa rin.
Kaya ang tanong ko sa inyo,
Sino ang mas mabaho?
Sino ang mukhang bakla?
At higit sa lahat,
SINO SA ATIN ANG HINDI PA NALIGO?

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...