Isinusulat ko,
Sa iyong litrato
Ang bawat sakit
Ang bawat pait
Lumilihis ang isip
Dumidilim ang panaginip
Nawala na ang mga pangarap
Na sa dambana'y ihaharap
Tumatangis ang langit
Dumadaloy na ang pait
Umiwas ka, umiwas na
Dahil oras ay nasayang na.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoesiaMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...
