Indio sa Gitna ng Delubyo

140 5 1
                                    

Indio, gumising ka,
Bagyo'y paparating na;
Ikaw ay maghanda na,
Delubyo'y darating na.

Hanging humahagupit,
Daluyong na pumupunit;
Kidlat na lumalangitngit,
Baha'y pumupulandit.

Pilipinas, oras na!
Panahon na para magkaisa!
Itakwil ang sariling pagnanasa,
Ibigay ang ating makakaya!

Kailan mo ba matatanto?
Kailan ba tayo matututo?
Galit ng kalikasa'y paparito,
Dahil sa kasalanan ng TAO.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon