Sa aming lumang plaka

40 0 0
                                        

Kapeng aking tinitimpla

Lagi ngayong lumalamig

Hindi ko malaman kung kulang sa tamis

Tasang walang kibo sa aki'y nakatitig.

Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo,

Ngunit parang sa'yo, ayaw nang lumayo,

Ipagpatawad mo-

Minahal kita agad.

Sa aking pag-iisa,

Ikaw lang ang tinatawag ko,

Di ako mapalagay,

Kapag ako'y nag-iisa.

Bakit ba ganyan,

Ang ibig ko'y lagi kang pagmasdan,

Umula't umaraw ay hindi pagsasawaan,

Ang iyong kagandahan.

Damdamin ko'y ibang-iba,

Kapag kapiling ka, sinta.

Kahit habang buhay maghihintay ako sa 'yo

Kahit pa maglaho ang mundo

Kahit habang buhay maghihintay ako sa 'yo

Asahan mong hindi magpapalit, itong damdamin ko.

Aanhin ko ang ganda ng iba

Maduduling lang ang aking mga mata, butas pa ang bulsa

At diba sabi ng mga matatanda, ingat lang tayong mga bata

Kagandahan, tulad ng suwerte, mawawala.


Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon