Hindi mo makikita,
Hindi mo mararamdaman,
Alingawngaw lang ang maririnig,
Maging ang silakbo ng damdamin;
Pagkain ang hinihingi nila sa inyo,
Ngunit tingga ng bala ang inabot niyo,
Nasaan ang pagkakapantay-pantay?Panaghoy ng mga kasama,
Luha ng maralita,
Ito ba ang gobyernong may malasakit?
Ito ba ang pamahalaang nagbibigay ayuda?
Gobyernong nagbibigay daw ng kalinga sa mahihirap,
Isang huwad lamang na ilusyong ginawa nakatataas,
Para mapaniwalang tayo'y aangat.Kailan pa mababaligtad ang tatsulok?
Totoy, kailan mo ba ito gagawin?
Ikaw na dukha, iangat mo sa tuktok,
Huwag kang matakot-
Lumaban ka, Totoy,
Ngayong nagugutom ang iyong lupain,
Ipaglaban mo ang iyong karapatan.

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...