Pagkakaiba naming dalawa

141 1 0
                                    

Mayaman siya,

Ako'y dukha.


Marami siyang pera,

Habang ako'y salat na salat.


Kaya niyang ibigay kahit na anong gustuhin mo,

Samantalang ako, ni kusing ay walang maiabot.


Pero may mga bagay din na wala sa kanya,

Na kaya kong tapatan.


Kaya ba niyang magtrabaho sa ilalim ng araw?

Hindi, di ba?


Kaya ba niyang kumita ng sariling kinikita?

Siguro, hindi rin.


May mga bagay na mayroon siya na wala ako,

Pero mayroon din siyang mga pagkukulang na kaya kong punan.


Hindi ko kayang maibigay anuman ang meron siya,

Pero kaya kitang mahalin, nang buong puso't diwa.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon