Alagaan mo siya

67 0 0
                                    


Pare-
Alam kong mahal mo siya,
Nangako kang hindi mo siya sasaktan,
Sana naman-
Alagaan mo siya.

Huwag mo siyang bibigyan ng sakit ng ulo,
Huwag mong palipasin ng gutom,
Tandaan mo-
Masaya siya sa'yo,
Kaya huwag mo siyang iiwan.

Pare-
Alagaan mo siya,
Ayoko siyang nakikitang malungkot,
Huwag mo siyang paluluhain,
Ito lamang ang aking pakiusap.

Pare-
Tandaan mo,
Kung di mo man ito matupad,
Nandito ako,
Upang pumuno ng pagkukulang mo.


Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon