Naiinis ako, hindi dahil hindi kita nabigyan ng bulaklak.
Naiinis ako dahil hindi ako handa.
Naiinis ako, hindi dahil umuwi ako sa kalaliman ng gabi,
At naalala kong ngayon ang ating anibersaryo.
Naiinis ako.
Oo, naiinis ako.
Hindi ko kasi maibigay yung gusto mo.
Hindi ko maitama lahat ng pagkakamali ko sa'yo.
Hindi ko masabi sa'yo na MAHAL KITA.
Hindi ko masabi sa'yo kung gaano ka kahalaga sa akin.
Naiinis ako, hindi sa nakalimutan kita.
Naiinis ako dahil hindi kita nakita.
Marami na akong pagkukulang sa'yo.
Ni hindi ako makabawi sa lahat ng ginawa mo.
Hindi ko magawang humingi ng patawad.
At magmakaawang bumalik sa piling mo.
Kahit isang pilit na ngiti ay hindi ko magawa.
Kahit ang sabihin ang aking nararamdaman ay wala nang halaga.
Naiinis ako.
Dahil nauna kang pumanaw.
Naiinis ako.
Ako na lang sana ang nawala at hindi ikaw.
Ayoko nang maging masaya.
Dahil WALA KA NA.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoesíaMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...
