Kung ang pag-ibig ay talagang ganyan
Bakit mayroong aasahan
Kung ito ang kahihinatnan
Iiwanang sugatan at luhaan
Pag-asa'y walang kaliwanagan
Puso'y hindi maintindihan
Pero wala nang ibang paraan
Kung hindi maging sunud-sunuran
Kung ganito ang aking kapalaran
Tatanggapin ko ito at hahagkan
Ngunit sa iyo ay nananambitan
Pag-ibig ko sana'y pagbigyan

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...