Dinig sa bawat kanto ng kwarto ko,
Lahat ng sinabi mo,
Karimarimarim-
Nakakasulasok,
Wari ba'y isa kang basurang itinapon,
Sa maling pwesto ng pagkatao mo.Binalak mong tanggalin ang aking korona,
At umupo sa aking katungkulan,
Nagkamali ka-
Ni hindi mo namalayan,
Sa sarili mong mga dila,
Ikaw ay napahamak.Kumawala ang ahas sa iyong bibig,
Dinagit ng palalong buwitre,
Tinuka ang utak na walang laman,
Habang sinasakmal ng mga leon ang iyong marungis na katawan,
Pinagmamasdan kita-
Habang niyuyurakan ang iyong kaluluwa.Makinig ka, hunghang,
Tampalasan ng lupang tigang,
Hangal ka-
Sinubukan mong tumibag ng pader,
Pero heto ka,
Bali ang buto't duguan.Nakakatawa ka,
Tanong ko lang sa'yo,
May pakinabang ka na ba?
Napakinabangan mo na ba ang utak mo?
Wala kang maisasagot,
Dahil ang laman lang ng utak mo,
Ay purong hangin.

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...