Bitay

585 3 0
                                    

Nakita kong tumangis ang kalangitan

Dahil sa aming nabalitaan

Tatlong Pilipino, ginawaran ng kamatayan

Sa kasalanang iba ang may kagagawan

Dahil ba sa ating kahirapan

Kaya sila nangingibang bayan

Sila na walang kalaban-laban

Ay sila pang pinagdudusahan ang hirap sa kulungan

Ang kanilang kinahinatnan

Dagok sa ating bayan

Mabagal na pag-usad ng katarungan

Sana, atin nang mapigilan

Mahal na Pangulo, hiling ay pakinggan

Pagkamatay nila, bigyan ng katarungan

Ang may sala, dapat parusahan

At ang hustisya, igawad sa kamay ng mamamayan

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon