Liham ni Inay (September 15, 2005)

203 4 4
                                    

Anak, kung iyo mang mababasa
Itong aking huling liham
Sarili'y ipagpanatag
Sa aking huling hininga.

Ika'y laging magpakabait
Huwag dadapuan ng sakit;
Sapagkat ika'y aking pinalaki
Na matatag at binuong magaling

Pangarap mo'y iyong abutin
Anuman iyon, paghusayang mabuti
Anak, ika'y aking kayamanan
Iyong katalinuhan, huwaran sa iba

Pakaalagaan mo ang iyong ama
Dahil siya'y may katandaan na
Akayin mo siyang maigi
Nang siya ay makapagpahingang mabuti.

Huwag kang tumangis anak,
Dumadapo ang kamatayan kaninuman
Tinatanggap ko ito nang maluwat
Dahil ito ang yaring kapalaran.

Itong aking liham ay iyong itago
Nang ako'y maalala mo
Ikaw ang aking pinakamamahal
Ang magtatayo ng sariling dangal.

Anak, nawa'y magpakatatag ka,
Sa daluyong ng buhay, huwag tumumba
Gawing inspirasyon ang mga natutunan
Sa labing-isang taon ng ating pagsasama.

Mahal kita, aking bunso,
Pangarap mo'y huwag igupo
Sundin mo, yaring mga payo
Sa masamang barkada, ika'y lumayo

Paalam, aking anak,
Sarili'y hindi na kayang magsalita
Sa liham kong ito, huling masasabi,
Kung gaano kita kamahal.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon