Norielyn Part II

124 2 2
                                    

Lumilipas na ang gabi,
Nakatanaw sa isang tabi;
Hindi ka ba mag-aatubili,
Kung ako'y magtapat at magsabi?

Subalit ano itong nalaman,
Ayaw mo akong maging kasintahan;
Hindi alam ang kadahilanan,
Kaya ako'y iyong iniwan.

Damdamin ma'y nasaktan,
Tinanggap ang katotohanan;
Magkagayunpaman,
Tayo'y hindi na magkaibigan.

Ito man ay iyong ikagalit,
Ang mahalaga'y hindi mo ipinagkait;
Sapagkat ang tadhana'y kay lupit
Sa kahit na sinumang taong kay bait.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon