Buti pa nga 'yung panahon, sabi nila,
May PAG-ASA,
Pero yung tsansa na maging tayo,
Kasing labo ng mga naniningkit kong mga mata,
Sobrang labo;
Mabuti pa nga nga yung napapatay ko noon sa Counter Strike,
Nasasabihan ko pa ng, "ASA",
Pero sa'yo-
Hanggang kailan ako aasa?
Mahirap maghintay,
Parang paghihintay mo ng bus pa-Cubao,
Sa daanan ng mga jeep pa-Quiapo,
Pero-
Alam kong hindi madaling magmahal,
Pero di ako desperado,
Nagkakataon lang talaga na mali ang napasukan kong pinto;
Kasalanan ko kung bakit kita nakilala,
At kasalanan ko rin kung bakit ako nahulog sa'yo;
Inaakala kong nahulog ako sa malambot na higaan,
Pero nagising ako sa higaang puno ng pako't tinik;
Tinitiis ko na lang ang mga nalalaman ko tungkol sa'yo,
Habang nilulunok ko ang lahat ng mga salitang binitiwan ko noong sinabi ko sa'yo,
"MAHAL KITA, KAHIT UMAASA AKO SA WALA"

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...