Hindi naman tayo,
Wala naman tayong relasyon.Bakit ganito?
May nararamdamang poot!!Wala naman tayong ugnayan,
Bakit ganito ako sa'yo?Paghanga lang,
Hindi ako magmamahal.Pero kapag may kausap ka,
Daig ko pa ang aking ina.Hindi ako galit.
Sadyang may tampo lang ako.Pinapansin mo siya,
Paano na ako?Hindi mo ako binibigyang halaga,
Siya, lagi mong inaalala.Totoo pala,
Sa iyo, wala akong halaga.Tama na, ayoko na.
Sawa na ako.Dahil,
NAGSESELOS AKO.

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...