Kuya

21 1 0
                                    

Tinatawag mo akong Kuya,
Di naman tayo magkapatid,
Pero dahil nirerespeto mo ako,
Tinitingala,
Hinahangaan.

Kuya-
Napakasarap pakinggan,
Hindi lang talaga ako sanay,
Dahil mas gusto ko pa ring tinatawag ako,
Sa aking maruming pangalan.

Ayoko nang matawag na Kuya,
Pakiusap lang-
Mas matanda ka sa akin,
Punyeta ka, mahiya ka naman,
Isip-bata ka pa rin.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon