Oo, duwag ako

122 0 0
                                        

Hindi ako marunong lumaban,

Hindi ako marunong sa suntukan;

Duwag ako,

Lagi akong tumatakbo.


Ayokong masaktan,

Ayokong magkaroon ng pasa at sugat;

Dahil takot ako,

Ayoko ng dugo.


Magsusumbong ako,

Magpapatawag ako ng tanod;

Dahil iyakin ako,

Sumbong-nanay.


Ano ba ang tunay na dahilan,

Bakit ako naduduwag;

Tumatakas ba ako sa katotohanan,

O sadyang wala akong lakas?


Magtatago ako sa madilim na sulok,

Doon ako magmumukmok,

Oo inaamin ko,

DUWAG AKO.

Mga Tula ng Pag-ibigMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon