Paraluman

67 0 0
                                    


Anuman ang sabihin nila,

Rumaragasa ang daloy ng pag-ibig ko,

Langit ka sa akin,

At siyang tala sa bawat gabi.

Rinig mo ba?

Ang pangalan mo ang siyang sinasambit,

Ikaw ang siyang pinakamaganda,

Sa tanang buhay ko, aking napagtanto,

Ang kailangan ko'y ikaw.

Gulo sa isipa'y napawi,

Oras na, para ikaw ay suyuin,

Narito ako, naghihintay,

Zeus, ang panalangin ko'y dinggin,

Anuman ang mangyari'y kalooban mo,

Labis akong naghintay,

Escriva ng langit, dinggin mo,

Sa tulang ito, magiging ganap ang pag-ibig ko.


Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon