Kung sa tingin mo ako'y salawahan
Pakaisipin at pakatandaan
Ay! Oo nga pala, utak mo'y walang laman
Ang nasa loob nito'y puro KATANGAHAN
Lagi mong iniiba, ating mga usapan
Labing-anim na taong gulang ka na, parang walang pinag-aralan
Walang ibang alam kundi KALANDIAN
Iba't ibang lalaki, iyong tinitikman
Malakas sa sigarilyo, maging sa inuman
Kaya talagang di aabot ng katandaan
Pangarap mo'y di na makakamtan
Pagkat ang IMPYERNO, iyo nang masisilayan
Paggawa nitong tula, mayroong dahilan
Gusto na talaga kitang makalimutan
Dahil ipinakita mo nang harapan
Di mabuting dulot ng aking kabutihan
Salamat, salamat sa kataksilan
Kailanma'y di ko pagsisisihan
Bakit nga ba kita iniyakan
Kung magdudulot lamang sa akin ng kaligayahan
Inaalay ko ito sa dati kong kasintahan
Na ni minsa'y hindi ako naintindihan
Dagok sa iyong buhay, aking kahilingan
At sana, makita mo na si KAMATAYAN.

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...