Beer at Ako

79 0 0
                                        


Halos araw-araw na lang,
Hawak ko ang isang bote ng serbesa,
Wala naman akong pinagdadaanan,
Wala naman akong problema
Siguro-
Gusto mo lang talagang matulog.

Wala lang-
Masarap lang talaga ang alak,
Kahit na mapait ang lasa,
Kahit masakit sa ulo,
Lalagok ka pa rin nito.

Nakakalimutan kong bigo ako,
Nakalimutan kong sawi ako,
At higit sa lahat-
Makakalimutan ko-
Ang lahat ng pait ng kahapon.

Tangan-tangan ang bote,
Tutunggain ko itong alak,
Diretso sa lalamunan,
Kung saan ko nilunok,
Ang lahat ng aking pagmamalaki.

Pero-
Hindi pa rin ako kuntento,
Bitin pa rin ako,
Kaya uutang na muli,
Para makalagok ulit.

Darating ang oras,
Na mawawala ako sa ulirat,
Pasuray-suray sa daan,
Paminsan-minsan pa,
Isusuka ko lang din ang alak.

Dumodoble ang paningin,
Nagsasalita nang garalgal,
Minsan pa'y nabubulol,
Parang asong ulol,
Umaatungal.

Pero minsan talaga,
May masamang balak,
Lalo na kung may kasamang dalaga,
Pero teka lang,
Masama na yan.

Hinay-hinay lang kasi,
Huwag magmadali,
Hintayin mo na lang ang tagay mo,
Lagyan mo na ng yelo,
Tara, TAGAY TAYO!


Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon