Kailan ka ba naging Bayani?

59 0 0
                                    

Nabaril ka ba?
Ginarote?
O di kaya'y pinagbintangang taksil?
Marahil ay namatay ka sa Bataan o Corregidor,
O pinapatay ni Apo Makoy.
Tanong ko lamang sa'yo,
Naaalala ka pa rin ba nila?


Sinuong mo ba ang Pasong Tirad?
Nilakad mo ba ang Kakarong de Sili?
Sumugod ka ba sa Mactan?
Nabinyagan ka ba sa Limasawa?
Ipinagtanggol mo ba ang Maynila?
Pakiwari ko,
Hindi ka nila kilala.

Nakipagkasundo ka ba kay Homma?
O sumama kay Roxas at Osmeña?
Marahil ay saksi ka sa pagkamatay ni Rizal,
Nakipagsanduguan kay Legazpi,
O nakilala si Limahong;
Kilala mo ba sila?
Marahil, yung iba lang sa kanila.

Tinulungan mo ba ang iyong sariling bayan?
Siguro hindi-
Bayani ka bang talaga?
Kilala ka lang nila sa librong binabasa nila;
Maraming lihim ang hindi pa rin nabubunyag,
Maraming bagay ang hindi nila alam,
Maraming nakatago sa dilim ng kasaysayan.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon