Balikbayan Box

94 0 0
                                    

Tuwang tuwa ako,
Dahil paparating na-
Paparating na ang hinihintay kong kahon;
Ang kahong magbibigay sa akin ng galak,
Laman ang pangarap at paghihirap niya,
Matatanggap ko na.

Ilang linggo o ilang buwan ko pa hihintayin,
Pero ako ay sabik na sabik;
Halos hindi ako makatulog sa kaiisip,
'Ano kaya ang kanyang padala?'
Marami kayang laman ang kahon?
Sabik na sabik na ako.

Pero-
Nakita ko sa balita,
Kinakalkal ng mga garapal,
Kinukuha ang gusto nila,
Papaano na ang kanyang padala?
Kakamkamin ba ito ng mga buwaya?

Makalipas ang isang linggo-
Heto na siya, ang kahong inaasam,
Subalit-
Bakit ganito?
Bukas at hindi na selyado?
Anong ginawa ninyo?

Kupas na ang kamisa,
Tsokolate ko'y wala na,
Ang laruan na para kay Hulyana, tila kulang na.
Sapatos na para kay Juan, tila ba naglaho na,
Ang paboritong relo ni Inay, ninakaw na nila,
At ang paboritong sigarilyo ni Amang, kinuha na.

Pakiusap ko lamang,
Sa mga buwayang gahaman,
Maawa naman kayo sa kanila,
Huwag niyo nang palitan ang lungkot nila,
Ilang taon na silang nangungulila,
Sa yakap at ngiti ng kanilang anak.


Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon