Langitngit ng Isang Demonyo

212 1 0
                                    

Ngayon masaya ka na,
Hindi mo na ako kailangan;
Wala na akong silbi sa'yo,
Kaya mo ako iniwan.

Basura na lang ako, di ba?
Tinapon na lang sa isang tabi;
Samantalang ikaw, tinuring kong asawa,
Binibigay ko kahit anong makakaya.

Diyan ka masaya,
Naniwala ka sa maling haka-haka;
Malakas ang tamang hinala,
Kaya mo ako sinira.

Anong ginawa ko?
Wala, di ba?
Mas gusto ko pa ngang ayusin,
Pero pinigil mo ako.

Iiwan na kita,
Dahil iniwan mo na rin ako;
Sana sa pagbalik mo,
Mabasa mo'to.

Galit ako sa iyo,
Lahat ng ginawa ko, binura mo;
Kaya ngayon, maghihiganti ako,
Matitikman mo ang galit ko.

Ikaw, oo ikaw na sumira sa amin,
Masaya ka na?
Nakita mo na yung resulta,
Wala na kami, hiwalay na.

Bumalik man siya, wala nang halaga,
Dahil mas masaya siya sa iba;
Respeto naman, di ba?
Di mo na lang sana pinakita sa kanilang dalawa.

Hayop ka, wala ka bang awa,
Relasyon namin, sirang sira na!!
Ngayon, masaya ka na?
Sige, tumawa ka na lang.

Mga traydor, sumpain kayo!!
Lahat kayo ay mga lilo!!
Sa paningin nila, ako'y dehado,
Matitikman niyo tunay kong pagkatao!!

Masaya na kayo sa ginawa niyo,
Sige, sino pang isusunod niyo?
Pinakialaman ninyo pati ibang mundo,
Dahil NAIINGIT KAYO!!

MGA TARANTADO!!
SUMPAIN KAYO!!
BANGUNGUTIN NAWA KAYO!!
NANG MADALA KAYO SA IMPYERNO!!

MAGSALITA KAYO, MGA LILO!!
TANGGAPIN NIYO ANG HAMON KO!!
WALA AKONG PAKIALAM KUNG BABAE KAYO!!
DAHIL SINIRA NIYO, DALAWANG BUHAY KO!!

HAMBOG, MAKASARILI,
KAYONG DALAWA YUN!
NGAYON, TIGNAN NATIN KUNG SINONG MAGMAMAKAAWA,
MGA IMPAKTANG NAGBIBIHIS DIWATA!!

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon