Sa pagaspas ng pakpak,
Pangarap ay hawak-hawak;
Mula sa pugad ng lusak,
Ako'y hindi na muling aapak.Dumapo man sa isang puno,
Makapagpapahingang totoo;
Subalit, oras ay tumatakbo,
Susundin ang aking gusto.Sa pagsapit ng dilim, aking napagtanto,
Ang tinig niya'y aking konsiyerto;
Subukan mang hanapin ang iyong puso,
Sa iba, ika'y naging kuntento.Ngayon, narito ako,
Nakahandusay, nakatago;
Katawan ko'y napupuno ng dugo,
Pangarap ko ba'y di na mapupuno?Sa pagsiyap ng aking mga inakay,
Sino ang aalalay?
Kung ako'y tuluyan nang mamatay,
Alaga ko'y hindi na mahihintay.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoesiaMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...