Masyado na ba akong matamis?
Sige, aalis na lang ako.
Nakalulungkot-
Gusto mo lang akong kausapin,
Kapag kailangan mo lang ako.Kailangan ko pa bang ipakita sa'yo?
Kung ayaw mo, ayos lang.
Gusto ko sanang sabihin sa'yo,
Pero natatakot ako-
Baka hindi mo magustuhan.Gusto ko naman na maging masaya ka,
Pero pinagtatabuyan mo ako.
Ayos lang, sanay naman ako,
Bakit ka ba naghihintay,
Kung narito pa ako?Pero sa kaloob-looban,
Nasasaktan na ako nang sobra,
Pansin mo ba?
Malamang, hindi,
Dahil sa iba ka nakatingin.Hindi mo kasi nararamdaman, eh,
Hindi mo kasi napapansin,
Oo, inaamin ko na,
Aaminin ko na sa'yo,
MAHAL NA NGA KITA.Pero-
Hindi mo naman ako pinapansin,
Madalang ka lang makipag-usap sa akin,
Pinapayuhan kita,
Pero hindi ka sumusunod.Ano ba ako sa'yo?
Ano ba ang turing mo sa akin?
Pakiusap naman-
Kailangan ko ng sagot,
Isang tapat na sagot.Ayaw kong umasa,
O magmadali,
Sana masagot mo ito-
At kung anuman ang tugon mo,
Tatanggapin ko.

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...