Silya Elektrika

185 1 0
                                        

Ano pa ba ang karapatan ko sa kanya?
May karapatan pa rin ba akong magselos?
Wala na. Wala na talaga.
Kasi nga pinakawalan mo na.

Bakit ko pa ipagpipilitan?
Bakit ko pa kailangang ipagsiksikan ang aking sarili?
Wala na. Wala na talaga.
Kasi nga, nagsawa ka na.

Saan ako lulugar?
Saan ako patutungo ngayon?
Ayoko nang bumalik pa doon.
Ayoko nang maalala ang pait ng kahapon.

Kailan ako magiging masaya?
Ngayon? Bukas? Sa makalawa?
Walang nakakaalam.
Walang makakapagsabi.

Sino ba ako para sa'yo?
Sino ba ako para maghusga ng mali?
Tao lang din naman ako.
Nakakapaturo ng mali at nagkakamali.

Papaano ako makakatakas sa bangungot?
Gusto ko nang magising.
Gusto ko nang bumangon.
Gusto ko nang makawala sa lagim ng kahapon.

Lagi kong tinatanong sa sarili,
Saan ba ako nagkamali?
Bakit ako nasasaktan?
Papaano ako makakalabas dito?

Bumulong ako sa hangin,
Sana mapakinggan nila;
Kahit na nasasaktan ako,
Nandito pa rin ako, nakatayo.

Ayokong tumakas dito,
Sa rehas ng aking buhay;
Pero kailangan ko ring umalis,
Dahil kailangan.

Ngayon, nandito ako,
Sa harap ng marami;
Suot ang sumbrerong bakal,
Naghihintay ng kamatayan.

Malapit na ang alas-tres,
Naghihintay na lang ako ng sagot;
Pagbaba ng pihitan,
Hininga ko'y malalagot.

Dumaloy na..
Dumaloy na sa akin.
Ang daluyong ng kuryente.
Ito na, ito na ang kamatayan.

Natusta na ang aking balat,
Sunog na parang uling;
Pilit ko mang magmakaawa,
Pero huli na.

Sa huling pagkakataon,
Muli kitang pinagmasdan;
Hustisya mo'y nakamit na,
Sa aking kamatayan.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon