Tulang di ko bibigyan ng pamagat

87 0 0
                                        

Kung may isang bagay dito sa mundo,
Na iisa lang ang sagot,
Ikaw 'yon-
Dahil napupunan mo ng ngiti,
Ang lumbay ng mundo,
Dahil sa'yo-
Lumulundag ang puso ko.

Inililihim ko na lamang ito,
Nangangambang mawala ang lahat,
Lahat-lahat -
Ayoko ring masaktang muli,
Natuto na ako -
At gusto ko nang magbago.
Gusto ko na ng bagong buhay.

Ikaw ang ikatlo kong minahal,
Higit pa sa mga minahal ko,
Mahal pa rin kita -
Pero ayokong masaktan ka,
Natatakot ako -
Oo natatakot na ako,
Takot na akong magmahal.

Ayoko nang may mawalang muli,
Ayoko nang umiyak,
Pero -
Hindi kita kayang pakawalan,
Napapasaya mo ang nalulungkot kong mundo,
Gusto kong sabihin sa'yo ito -
MAHAL KITA.

Mahal kita, hindi mo lang nararamdaman,
Dahil ayokong magkailangan tayo,
Mahal kita-
Oo mahal pa rin kita,
Bawat luha, bawat pagtitiis,
Tiniis ko-
Para lamang sa'yo.

Bumibilis ang takbo ng mundo,
Kapag kasama kita;
Sana-
Sana mapansin mo ito,
Dahil dito tayo unang nagkakilala,
At sana sa paraang ding ito,
Muling umusbong ang ating pagmamahalan.

Lumabis man ako sa aking ginawa noon,
Sana'y makabawi akong muli;
Pakiusap -
Hiling ko'y isa pang pagkakataon;
Kung hindi man mapagbigyan ay tanggap ko na,
Alam ko -
Babalik ako sa pinakadulo.


Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon