Itinanim ko ang buto,
Sa pag-asang balang araw, tutubo ito-
Tutubo ng pag-asa at ngiti sa iyong labi,
Matama ko itong babantayan at aalagaan,
Tulad nitong buto-
Na siyang ipinunla ko sa lupang puno ng pag-ibig,
Tapat at totoo,
Walang halong pambobola o biro,
Nagpapakatotoo lang ako.
Didiligan ko ang aking punla,
Ng respeto at ng tiwala,
Upang lalong lumago ang aming samahan,
Tatanggalin ko ang mga busabos na damong ligaw,
Na siyang sisira sa aming dalawa;
Tatanggalin ang masasamang bunga,
At aalagaan ang mayayabong,
At pagdating ng panahon,
Ang punlang naitanim ko,
Ay siya nang magiging puno.
Tulad ng pag-ibig ko sa'yo,
Hahayaan ko itong lumago,
Hindi ko hahayaang may masamang damong tumubo,
Dahil hangga't narito ako't karamay mo,
Ang punlang ito-
Ay siyang magiging puno...
Puno ng ating walang hanggang pag-iibigan.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PuisiMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...