The Bullet that was in Manila

20 0 0
                                    

Hindi sila magsasaka,
Pero nagtatanim sila,
Hindi ng palay,
O kahit na mais,
Kun'di BALA.

Anting-anting sa iilan,
Pero kontrabando sa kanila,
Ang masaklap pa,
Kung sino pang mga maralita,
Siya pang nahuhulihan.

Nueve milimetro,
Mula sa kalibre kwarenta y sinco.
Itinatanim, inilalagay;
Sa mga uring manggagawa,
Sila ang nakakawawa.

Mahal na Pangulo,
Mahabag naman kayo,
Kaming mga dukha,
Pinapahirapan niyo na,
Kinukunsinti mo pa sila.

Anong klaseng gobyerno ba ang mayroon tayo?
Panakip-butas ba ang isyung ito,
Para lang maitago ang nawawalang pondo,
Ng mga taong nagpupumilit na bumangon,
Sa daluyong ng kahapon?

Gumising kayo-
Kayong mga nasa gobyerno,
Ipagkikibit-balikat niyo na naman ba ito?
Ito ba ang tinatawag niyong TUWID NA DAAN?
Baku-bako at walang patutunguhan!!

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon