Lihim na Pagtingin

2.3K 3 0
                                    

Nais ko iyong malaman

Laman ng puso at isipan

Itong aking nararamdaman

Tila di pangkaraniwan

Tanggap ko kung ako'y masaktan

Dahil para sa akin, mahirap kang pakawalan

Pagkat may lihim na nararamdaman

Huwag sana akong ipagtabuyan

Pagsamo ko'y pakinggan

Ako'y tao lamang, ako ma'y nasasaktan

Tulang ito'y bigyang kahulugan

Bilang iyong manunuyo't kaibigan

Kung sabihin mo ito'y kahangalan

Dulot ng aking nararamdaman

Aking tatanggapin nang may kaluwagan

Pagkat ika'y diyosa sa aking kalangitan

Binibini, matagal na kitang pinagmamasdan

Ginoong tulad ko, kailan pagbibigyan

Huwag mo na sanang tanungin kung kailan

Baka sa huli, umuwing bigo't luhaan

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon