Pick-up

231 2 1
                                    

Ikaw ba'y isang tala,
Na nahulog mula sa langit?
Sapagkat ikaw lamang ang tinitignan,
Mula gabi hanggang bukang-liwayway.

Sana ika'y isang mandurukot,
Nang mahablot mo pati ang loob ko;
Huwag lang sanang mahuli ng pulis,
Nang di mahuli na hawak ang iyong puso.

Pagod na akong tumakbo,
Sana malapit na ako sa puso mo;
Gusto ko nang matulog,
Na kasama ka at kayakap ako.

Inaamin ko, masaya ako sa'yo,
Kaya sa'yo, ako'y nagkakaganito;
Subukan ko mang itago,
Lumalabas pa rin kapag magkasama tayo.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon