Sa aking pagmumuni-muni,
Ay aking naihambing;
Ano ang pinagkaiba ni Balagtas,
Sa mga kabataang animo pantas?
Nakakasulasok na paskil,
Nakakasamid na larawan;
Ay, abang habag, iyong idulot,
Sa mga taong kaisipan ay buktot!
Walang mabuting naidulot,
Bagkus ay naging salot;
Hindi na sila nagkandatuto,
Mga kabataang nagiging ipokrito!!
O kay gandang pagmasdan,
Yaring likha ni Senyor Francisco;
Pumukaw sa mga maralitang kaisipan,
Ng mumunting mga kabataan.
Di ko lubos maisip,
Kanyang mga likha'y kinalimutan;
Sa sulok ng kwarto'y itinatago,
Amag at alikabok, sa bawat pahina'y pumupuno.
O butihing Balagtas, ako'y pamarisan,
Sa gawa mo, ako'y tuturan;
Pagkat ang iyong mga tinuran,
Ay siyang aking sandigan.

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...