Ayoko na sa'yo.
Umalis ka na.
Nangako ka sa akin, 'di ba?
Pero bakit hindi mo tinupad?
Akala ko ba, magtatagal tayo?Sabi mo,
'Hahanapin ko muna ang aking sarili';
Ilang taon na ba?
Hinihintay na kita.
Sana dumating ka na.Magkaiba man tayo ng landas,
Sana maalala mo pa rin ako.
Sabi ko sa'yo,
"Hangga't hawak ko ang pangako mo,
Ikaw pa rin ang mamahalin ko"Mahigit isang taon na pala.
Kamusta ka na kaya?
Gusto kitang makita.
Pero paano? Kailan?
Saan? Anong gagawin ko?Hanggang ngayon,
Ang tinig mo ang siyang ritmo ng buhay ko.
Ang ngiti mo ang siyang bumubuhay ng araw ko.
Sana makita kita sa daan.
O kahit na sa paglubog ng araw.Balita ko, nandito ka sa Maynila.
Alam kong nandito ka.
Sana makita kita.
At gusto kong sambitin sa'yo itong kataga,
"Kumusta ka? Nagkita rin tayo sa wakas"

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...