Sampung Taon

47 0 0
                                        

  Sa pagtuntong ko sa paaralang ito,
Bumungad sa akin ang isang bagong mundo,
Mundong ni sa hinagap,
Ay patuloy ko pa ring iikutin;
Matapos ang isang dekada,
Heto akong muli-
Sinasariwa ang mga magagandang alaala.

Buhay pa rin ang gawa ko sa HELE:
Magic Box na walang bahid ng mahika,
Sewing box na liham lamang ang laman,
Maging ang bag na binurdahan at tinahi,
Gamit ang matigas kong mga kamay,
Nabuo, hindi lang mga proyekto,
Maging ang mga munti kong mga pangarap.

Nasaan na kaya-
Ang mga guro kong sakdal tapang,
Tulad nina Borlongan at Sugpatan,
Maging ang guro kong si Nasis,
Na tila Undas ang tema araw-araw,
Higit sa lahat,
Kilala pa rin pa kaya ako ng mga kaklase ko?

Marahil hindi na nila alam,
Na isang dekada ko na silang hinihintay,
Maibalik lang ang panahong kinalimutan,
Ah, baka nga 'di na nila batid,
Na ngayon ay ika-29 ng Marso,
Ang pinakamalungkot na araw,
Para sa akin, at sa lahat ng nagsipagtapos.

Sino na bang nagkatuluyan at nagkapamilya?
Madaldal na ba ang dating tahimik?
Tumangkad na ba ang dating maliit?
Nakamit na ba nila ang inaasam na pangarap?
Sana man lang, isang araw,
Kahit saglit na panahon lamang,
Tayo'y magsama-sama.

Isang dekada na pala,
Parang kailan lang pala,
Nagsusumikap tayong mag-aral,
Ngayon matagumpay na tayo,
Pero sana naman-
Huwag niyo sanang kalimutan,
Ang ating sintang Paaralan.  

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon