Ang Bagong Ako

270 1 0
                                    


Lumipas na ang isang taon,
Iba't ibang pagkakataon;
May mga bagay na dapat nang itapon,
Mula sa bakas ng kahapon.

Itinapon ko na ang pait,
Isinara ko na ang galit,
Ibinaon na ang lahat ng hinanakit;
Naghilom na ang lahat ng sakit.

Ngunit sa pagdating ng bagong simula,
Alisin na ang mga masasamang alaala;
Ituwid ang isipang puno ng mahika,
Gawing matagumpay ang bawat gawa.

Unang hakbang para sa bagong kabanata,
Simulan ang araw ng puno ng saya;
Punuin ang sarili ng pag-unawa,
Magpasalamat sa lahat ng mga biyaya.


Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon