Dekada Nobenta

91 0 0
                                    

Nakaupo sa sahig,
Habang nakaharap sa telebisyon;
Nagbabalik-tanaw,
Sa ligaya ng kahapon.


Mula kay Remi, Georgie,
Cedie at maging kay Heidi,
Namulat ako,
Sa ganda ng kahapon.

Pagsapit ng hapon,
Gagayahin ang Messiah Punch ni Teppei,
Tatanggalin ang sumpa kay Zenki,
O sisigaw ng "ACHECHE!!"

Kung wala akong ulam sa gabi,
Milo at kanin ay langit na sa akin;
Kung minsa'y nagdidildil ng asin,
O kakain ng adobong kanin.

Paminsan-minsa'y nag-aabang,
Kung anong mangyayari kay Mara at Clara;
Inaabangan din ang tambalang Marvin at Jolina,
Maging sina Joaqui at Peachy ay kinakikiligan.

Kung may pasok, laging inaabangan,
Telebisyong de-gulong, inaantabayanan;
Hiraya Manawari, Sineskwela at Bayani,
Gumising sa kamalayan kong munti.

Pagsapit ng Sabado,
Masaya kaming naglalaro;
Patintero, luksong-tinik at tumbang preso,
Munti kong katawan, aking pinapagod.

Kapag nakikinig sa radyo,
Inaantabayanan ang pag-awit ng aking idolo,
Tangan-tangan ang aking gitara,
Bawat areglo'y sinasabayan ko.

Tuwing sasapit naman ang gabi,
Babalik sa bahay at aabangan si Kabayang Noli,
Lalo na kapag sasapit ang Undas,
Nakakapanindig-balahibo ang bawat kuwento.

Sana ay bata akong muli,
Maibalik ang masasayang kahapon;
Sa paglipas ng panahon,
Mga alaala ng lumipas, aking baon.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon