Pag-ibig

84 0 0
                                    

Nagkita tayo,

Nagkakilala sa isang pasyalan,

Pinulot ko ang mga librong natabig ko,

Nagkatitigan ng mata,

Pero-

Hindi ko alam ang pangalan mo.

Muli tayong nagkita,

Sa paaralang pinapasukan natin,

Pinakilala ka ng kaibigan ko,

Hindi ko alam-

Ni sa hinagap ko,

Biglang titibok ang patay kong puso.

Niyaya mo ako,

Ang sabi mo, importanteng bagay,

Doon sa may Luneta,

Sa gitna ng tanglaw ng mga bituin,

Nagtapat ka-

Mahal mo na pala ako.

Akala ko, biro lang,

Kumunot ang noo mo,

"Hindi ka ba naniniwala?

Gusto kita, mula noong una tayong nagkita"

"Pero," sambit ko,

Mas mahal ko ang kaibigan mo.

Umagos ang iyong mga luha,

Lumisan ka't hindi na nagpakita pa,

Makalipas ang ilang taon,

Muli tayong nagkita-

Sa iyong tahanan,

Nakalagay sa isang puting kahon.

Nagpakamatay ka-

Namatay ka dahil sa mahal mo ako,

Dinamdam mo ang sakit,

Sa labahang tangan mo,

Buhay mo'y tinapos-

Nang dahil sa akin.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon