Desaparecidos

51 0 0
                                        


Namulat ako sa isang karimlan,
Ang karimlan sa loob ng mahigit walong taon;
Tahimik ang paligid,
Tila isang malawak na sementeryo,
Ngunit-
Sa likod nito,
Ay isang malagim na kahapon.

Hinuli, pinagbintangan sa salang hindi naman nila nagawa,
Hindi ka na nakabalik pa,
Hanggang ngayon-
Hinahanap-hanap ka pa rin nila;
Nasaan ka na?
Isa ka rin ba sa kanila?

Daan-daang mga biktima,
Hindi na muling nakita pa,
Ang ilan sa kanila-
Tila naglaho na sa kasaysayan,
Sa karimlan ng kahapon,
May pag-asa pa rin bang makita ang liwanag?

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon,
Ang araw na kung kailan ikinulong ang kalayaan,
Nawa'y hindi na ito muling mangyari,
Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon,
Huwebes, ika-21 ng Setyembre,
Isang libo, siyam na raan at pitumpu't dalawa,
Nagsimula ang tunay na karimlan.


Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon