86: Miss Minchan's Special Class

59 3 4
                                        

Isang special class ang huling klase ni Meiji para sa araw na iyon. Isang espesyal na klase para sa mga mag-aaral na mayroong espesyal na abilidad bukod pa sa kanilang mahikal na kakayahan. Ang klase na ito ay nilalahukan ng mga estudyanteng nagmula sa iba't ibang antas ng pag-aaral ng mahika sa Adamwoods Academy kaya ganun na lamang kagulo ang silid-aralan sa tuwing may klase.

Sa isang lihim na sillid-aralan nagaganap ang bawat klase ng special class. Nasa pinakailalim na parte ito ng kastilyo ng academy kung kaya naman nananatiling isang lihim ang klase ng special class. Ang kwartong nagsisilbing silid-aralan ng klase ay hindi pangkaraniwan. Walang makikitang haligi o sahig man lang ang silid. Ni kantuhan ng mga sulok ay wala. Ang tanging ang naroroon lamang ay mga silya ng mga estudyante na tanging kadiliman lang ang nakapaligid. Mistulang isang vaccum space ang silid na ang totoo'y isang dimensyong binuksan ng isang Pulllen. Sa silid na ito, malayang nagagamit at napapaghusayan ng mga estudyante ang kanilang espesyal na abilidad ng walang naapektuhang anuman o sinuman.

Bilang katangian ng isang dimensyon, ang klasrum ay walang sinusunod na oras at panahon. Gayunpaman, ang paglagi ng ilang oras sa klasrum ay paglipas naman ilan lamang na sandali sa labas. Kabaligtaran naman kung lalagi sa loob ng klasroom ng ilang sandali, paglabas ay kakain naman ng maraming oras sa labas. Isang tipikal na regulasyon ng oras at panahon ng isang dimensyon. Dahil na rin sa ganoong senaryo, walang sinumang estudyante ang nangangahas na umalis ng silid habang hindi pa natatapos ang klase.

Ito ang pinakaunang klase buhat ng nagsimula ang pasukan kung kaya naman may mangilan-ngilan ding estudyante ang napadagdag sa klase.

Wala mang nakikitang sahig sa klasroom ay malaya pa ring nakapaglakad si Meiji sa tila walang hanggang kadiliman ng paligid. Animo'y pumasok siya sa silid ng kawalan. Wala pang tao nang pumasok siya ng silid. Ni mga silya'y wala pa ring makikita subalit nauna nang maupo si Meiji. Doon saka pa lamang lumitaw ang silyang kinauupuan niya. Sumubsob siya sa pinakadesk ng armchair at doon pumikit ng sandali. Hindi pa naman bumibilang ng ilang minuto'y naririnig na niya ang mga boses ng mga estudyante. Indikasyon na hindi na lamang siya ang naroroon subalit hindi pa rin nagtaas ng ulo ang dalaga.

Isang grupo ng mga babaeng estudyante ang naulinigan niyang pinag-uusapan siya pero wala na siyang paki para pakinggan pa kung anong mga pinagsasabi ng mga ito tungkol sa kanya. Hinala niya'y estudyante ang mga ito na nasa ika-anim na antas na madalas niyang makabanggaan. Pero pinagkibit-balikat na lamang niya ito. Tulad na rin ng hindi pa rin niya pagpansin nang bigla na lamang tumili ang mga ito na tila nakakita ng mga kakaibang bagay. Tiling naririnig lamang niya sa mga kapwa estudyante sa tuwing nakakakita ang mga ito ng mga magaganda at mga gwapong nilalang. Napabuga na lang ng hangin si Meiji sa inasal ng grupo.

Sandali pa'y naramdaman ni Meiji ang mga presensyang lumapit sa kanya na kalauna'y naramdaman niyang nagsiupo sa tabi niya. Sinundan naman iyon ng panibagong tilian at mga bulungan. Napaismid tuloy si Meiji. Sa puntong iyon ay wala sa loob siyang nagtaas ng ulo. At sakto isang nagulat subalit kalauna'y napangising mukha ni Kosuke ang bumungad sa kanya. Nakaupo ito sa silyang nasa harapan lamang ng dalaga. Nakapihit itong nakaupo habang may hawak na isang insekto sa kamay. Sinamaan niya ito ng tingin sa pag-aakalang balak nitong ilagay ang insekto sa ulo niya. Inismiran niya ang binata at ibinaling na lang ang tingin niya sa ibang direksyon subalit sinasalubong naman siya ng mga tingin ng iba pang mga prinsipeng sa kalapit lang din niya mga nauupo. Sa madaling konklusyon, kabilang ang limang prinsipe sa mga napadagdag sa espesyal na klase na ito.

Pambihira naman! dismayadong ani tuloy ni Meiji sa sarili.

Pinili niyang huwag pansinin ang mga prinsipe at ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon subalit napamura na naman sa isip nang si Prinsipe Quiron naman ang makita niya. Nakatingin ito sa kanya habang pinagkukumpulan naman ito ng babaeng estudyante. Wala sa loob na napangiwi na lamang ni Meiji. Sa puntong iyon ay mabilis siyang nakapagdesisyon na lumiban na lang sa klase. Ayaw na niyang makadama ng pressure sa mga panahong ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon